Tuesday, February 28, 2006

Opinyon ko lang

Nagkakagulo nanaman sa Pilipinas. May patutunguhan pa kaya ang bansang ito? ewan ko. sa totoo lang, naiinis ako sa mga nagrarally na yan. oo nga, di naman masamang ihayag nila ang kanilang mga saloobin pero hindi bat mas makakatulong sa ating bansa kung mas aatupagin natin ang pagtutulong tulong na mapaunlad at pagsisikap sa mga kani kaniyang mga trabaho? pero di ko din masisisi ang ibang mga tao. iba iba kasi ng tao ang sumasama sa mga rally na yan eh. may kilala akong binabayaran sila para lang sumama sa mga rally na ito (pamparami ng tao kung baga). meron din akong kilalang nagpupunta ng rally dahil inuutos ng mga nakakataas sa kanila (mga boss nila). meron ding sa tingin nila ay tama ang paninindigan at pinaniniwalaan nila kaya sila sumasama sa rally. at syempre hindi mawawala dun ang mga makapangyarihang tao na gusto pang magkaroon ng kapangyarihan. at yung iba ewan ko na lang kung ano dahilan nila.

kung titingnan mong maigi, iilan lang ang nagpunta doon dahil sa pinaglalaban nila ang bayan at sa tingin nila sa paraang iyon nila ito naisasagawa. hindi na ko naniniwala sa people power na yan. yung unang people power, doon nagkaisa talaga ang mga Pilipino. iisa ang adhikain at pinaglalaban. pero ngayon? kung saan saan na lang at kung kelan na lang nila gusto mag people power magpipeople power sila. kalokohan na un! sabi nila pagkakaisa un? HAH! isa pang kalokohan! yang mga nagpipeople power na yan? kung tatanungin mo sila, iba iba rin ang mga gusto nila at pananaw sa bansang ito. mahirap man o mayaman. sariling kapakanan lang iniisip nila. hindi ba't mas maigi kung tulungan na lang natin ang mga kinauukulang magampanan ang kani kanilang obligasyon. umpisahan na sa magttrabaho ang maayos. ako? hindi ko sinasabing perpekto ako dahil walang taong ganun. pero simple lang ang pangarap ko sa bansang ito. katahimikan at pagkakaisa. pagkakaisa sa tamang paraan. pagkakaisang hindi dinadaan sa paglabas sa kalye. pagkakaisang nasa puso at isipan. kelan kaya un? sana malapit na.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home